|
oo, ikaw. ikaw na kausap ko kagabi. alam mo kung bakit? mas lalo kasi kitang namimiss dahil sa mga sinabi mo kagabi. nakakainis ka. wala ka sa tabi ko. nakakainis ka. di kita mayakap. yun pa naman ang kinahihiligan kong gawin. yumakap sa tao. natatawa ako sa sarili ko. naisip ko na sana noon pa man e minahal na kita. masyado kasi akong makakalimutin e. tatlong taon na ang nakalipas at inakala kong merong pumipigil sakin. ako lang pala ang pumipigil sa sarili ko. at hindi ko naman kinailangang gawin yun. kung naalala ko lang sana yung pangako ko dati e matagal ko na sigurong inamin sa sarili ko. at syempre. sa iyo. sa mga ibang tao na rin. kaya... naiinis din ako sa sarili ko ngayon. dahil saking pagiging makakalimutin. basta. nakakainis lang talaga. ok lang yun. mahal naman kita e. |
| Name February 2, 2009 12:04 PM PST hayy juliet... miss na kita... i love you...ingat ka palagi.. | ||
| Leave a Comment: |